Senator Lacson, hinirang na bagong chairman ng Partido Reporma

Ganap nang sumapi at hinirang na chairman ng Partido para sa Demokratikong Reporma o Partido Reporma si Senador Panfilo Lacson.

Nanumpa si Lacson sa harap ni dating Defense Secretary Renato de Villa na nagtatag ng partido, kasabay ng panunumpa ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez bilang presidente.

Ang Reporma ay binuo ni Sec. de Villa noong 1997 at pangunahing layunin nito ay ipagpatuloy at pagbutihin pa ang mga pagbabagong nagawa ng Ramos administration gaya ng pagbuwag sa monopolyo, pagpapahusay sa serbisyo publiko, pag-angat ng ekonomiya at kapakinabangan ng lahat ng Pinoy.


Naging “dormant” ang partido matapos ang eleksyon noong 2004 hanggang sa ito ay muling pasiglahin ng dating Speaker Alvarez noong 2020.

Ayon kay Lacson, ang kaniyang mga adbokasiya ay umaayon sa mga isinusulong ng reporma tulad ng soberenya at demokrasya, decentralization, at devolution of powers, social justice responsibility, matatag na pundasyon para sa ekonomiya, strong economic, environmental awareness, voters’ education at iba pa.

Facebook Comments