Isa pang pulis nasawi dahil sa COVID-19

40

May isa na namang pulis ang namatay matapos na maging infected ng COVID-19.

Batay ito sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service kaya umaabot na ngayon sa kabuuang 82 PNP personnel ang pumanaw dahil sa COVID-19.


Sa ulat ng PNP Public Information Office, ang nasawing pulis ay lalaki, 40-anyos, na may ranggong Police Staff Seargent na nakatalaga sa Base Police Station Headquarters Support Service.

Siya ay nasawi nitong July 27, 2021 makaraang makaranas ng mga sintomas ng COVID-19. Hindi pa rin ito nababakunahan kontra COVID-19.

Sa ngayon, umaabot na sa 30,156 ang COVID cases sa PNP, 957 ito ay active cases habang may nadagdag naman ng 115 PNP personnel ang gumaling ngayong araw kaya umakyat na sa 29,117 ang recoveries sa hanay ng PNP.

Facebook Comments