Padadalhan na ng show cause order ng Department of Health ang mga laboratoryo na hindi nagsumite sa kanila ng daily COVID-19 cases.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOH Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire na nasa 21 laboratories ang hindi nakakapagsumite on-time ng kanilang daily COVID-19 cases dahilan kaya kulang ang inilabas nilang datos sa nakalipas na dalawang araw.
Kahapon ay nakapagtala ang DOH ng 5,683 new COVID-19 cases, kung saan unti-unti nang bumababa ang kaso ng mga tinamaan ng virus.
Sa interview ng RMN Manila kay OCTA Research Team Fellow Dr. Michael Tee, sinabi nito na bumaba na ang COVID-19 daily average, positivity rate at bed occupancy sa mga ospital.
Sa kabila nito na hindi naman masabi ng DOH at OCTA kung posibleng ibaba na sa General Community Quarantine ang quarantine status sa National Capital Region Plus bubble.