SM Supermalls, nakipag-partner sa Girl Scouts of the Philippines para sa muling pag-arangkada ng “Resbakuna Kids”

Muling umarangkada ang “Resbakuna kids” sa iba’t-ibang SM Supermalls sa bansa.

Ngayong araw ay nakipag-partner naman ang SM Supermalls sa Girl scout of the Philippines (GSP).

Aabot sa 700,000 na mga Girl Scouts na edad 5 hanggang 11 taong gulang ang inaasahang maturukan ng COVID-19 vaccine sa may 56 na SM Supermalls sa buong bansa.


Kaninang umaga, nasa 60 na Girl Scouts of the Philippines ang sumalang sa ceremonial vaccination sa Megatrade Hall sa SM Mega Mall.

Pinangunahan mismo ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje ang pagturok ng Pfizer vaccine sa mga miyembro ng GSP.

Maliban sa mga edad 5-11, may mga GSP member na edad 18 pataas ang nagpa-booster shots.

Ayon kay Joaquin San Agustin, Senior Vice-President for Marketing ng SM Supermalls, para sa mga interesadong mag-avail sa “Resbakuna kids”, magpa rehistro lang sa kanilang local council ng GSP.

 

Aniya, aabot na sa 9.4 milyon na COVID-19 vaccine ang kanilang na-administer magmula nang umarangkada ang resbakuna drive sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH), mga Local Government Units (LGUs) at iba pang partner organizations.

May mga umiikot na mga mascots para ma-entertain ang mga bata at naglagay ng mga balloon sa waiting areas upang maging masaya at kawili-wili ang pag-aantay sa pagbabakuna.

Maaari namang magshopping at dine-in sa mga food chains o kaya naman ay tumingin sa mga special offers ng SM Supermalls ang mga bata at kanilang mga magulang pagkatapos ng pagpapabakuna.

Facebook Comments