PAGSASAGAWA NG BARANGAY FIESTA AT SPORTS TOURNAMENTS, PINAHIHINTULUTAN NA SA LINGAYEN

33
Pinapayagan na ang pagsasagawa ng barangay fiesta at sports tournaments sa bayan ng Lingayen.
Sa inilabas na Executive Order No. 18. S 2021, dahil nasa low risk classification na ang bayan sa COVID-19 at mababa na lamang ang naitatalang bilang ng nagpopisitibo sa sakit pinapayagan na ang pagsasagawa ng fiesta at sports dito.
Ang mga indibidwal na 18 edad pataas na sasali sa mga aktibidad ay kailangang magpresenta ng katibayan na sila ay fully vaccinated.

Ang mga 17 edad pababa ay hindi na kinakailangan pang magpakita ng vaccination card.
Noong ika-15 ng Marso nang maglabas ng kautusan ang lokal na pamahalaan sa pagsususpendi sa pagdiriwang ng barangay fiestas at liga.
Muli namang nakiusap ang Alkalde ng bayan magkaroon ng ibayong pag-iingat laban sa sakit. | ifmnews
Facebook Comments