
Magsasagawa ng kauna-unahang state visit sa Pilipinas si South Korean President Lee Jae Myung sa susunod na linggo.
Darating sa bansa si President Lee sa Marso 3, 2026, bilang tugon sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro, kasabay ng pagbisita ang ika-77 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at South Korea.
Tatalakayin sa bilateral meeting ng dalawang lider ang mas pinaigting na kooperasyon sa depensa, maritime, ekonomiya, at people-to-people ties, pati na rin ang mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Nauna nang nagkita sina Pangulong Marcos at President Lee noong Oktubre 2025 sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit, at nag-usap din noong Agosto 2025 kung saan pinagtibay nila ang commitment sa strategic partnership ng dalawang bansa.










