1st barangay kagawad sa isang bayan sa Sarangani Arestado matapos nakunan ng shabu

General Santos City—Arestado ang isang Opisyal na Barangay sa isinagawang Search Operation ng Maasim Municipal Police Station at ng Sarangani Police Office kaninang madaling araw sa Barangay Tinoto, Maasim, Sarangani Province.

Kinilala ang suspek na si Bebie Ismael, nasa hustong edad, 1st Kagawad ng nasabing Barangay.

Bitbit ang search Warrant laban sa illegal drugs na ipinalabas ni Hon. Judge Oscar Noel Jr. ng Justice on Wheels, pinasok ng operatiba ng PNP ang bahay ng nasabing opisyal.


Nakuha sa bahay nito ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia’s.

Ayon sa Maasim PNP matagal na nilang minamanmanan si Ismael matapos may nagsumbong sa kanila na involved umano ito sa illegal drugs.

Sinasabing dinadaan sa dagat ang pagbibinta ng Shabu ng nasabing opisyal. Sa ngayon nasa kustudiya na ng Maasim PNP si Ismael at sa darating na Lunes nakatakda itong sasampahan ng Kasong paglabag sa RA 9165.

Facebook Comments