1ST BUGKALOT ILONGOT DAY, IPINAGDIWANG

Masayang ipinagdiwang ang 1st Bugkalot Ilongot Day na isinagawa sa Landingan Gymnasium Nagtipunan, Quirino noong nakaraang linggo, Hulyo 23, 2022.

Ang kauna-unahang pagdiriwang ng Bugkalot Ilongot Day ay may temang: “Strengthening Unity among Bungkalot/Ilongot Ancestral Domain Holders”.

Ayon kay Ginang Anabel Flores, Indigenous People Mandatory Representative LGU Alfonso Castaneda at Provincial Chieftain ng Nueva Vizcaya, ang selebrasyon ay pagdiriwang ng pagkakaloob sa kanila ng titulo ng Ancestral Domain anim na taong na ang nakalipas noong Hulyo 23, 2016.

Isang makasaysayang araw para sa mga katutubo ang nasabing pagdiriwang dahil naipagkaloob na sa kanila ang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) na nagpapatunay ng pagkilala ng gobyerno na ang Lupaing Ninuno na may lawak na mahigit 200,000 ektarya na nasasakupan ng mga bayan ng Nagtipunan, Quirino: Dupax del Norte at Nueva Vizcaya ay pagmamay-ari ng mga katutubong Bugkalot Ilongot at kanilang mga susunod na henerasyon.

Mahigit 2,000 katutubong Bugkalot Ilongot sa mga probinsya ng Quirino, Aurora, at Nueva Vizcaya ang nakiisa sa pagdiriwang noong Sabado.

Bilang bahagi selebrasyon ng okasyon, nagkaroon ng motorcade at presentasyon ng iba’t ibang katutubong sayaw.

Ayon sa National Commission on Indigenous People (NCIP) ay bumaba na lamang sa 15,000 ang bilang ng mga katutubong Bugkalot Ilongot sa North Luzon kumpara sa naitalang mahigit 50,000 noong 1990.

Facebook Comments