Sunday, April 5, 2026

MOBILE SERVICES NG PRC, AARANGKADA SA ALAMINOS CITY

Magkakaloob ng local mobile service ang Professional Regulation Commission Regional Office 1 para sa mga propesyonal sa Alaminos City, Pangasinan sa darating na Marso 26, 2026, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon, sa 1st Congressional District Office na matatagpuan sa Barangay Magsaysay.

Ayon sa Professional Regulation Commission Regional Office 1, kinakailangang magparehistro muna online ang lahat ng propesyonal upang makakuha ng slot bago magtungo sa mobile service. Maaaring gawin ang online registration sa opisyal na website ng PRC sa online.prc.gov.ph.

Kabilang sa mga serbisyong ibibigay sa mobile service ang pagproseso ng renewal at duplication ng Professional Identification Card (PIC), aplikasyon para sa certifications at authentications, aplikasyon para sa Good Standing, exam application, at initial registration para sa mga bagong lisensyadong propesyonal. Layunin ng programang ito na mapalapit ang mga serbisyo ng PRC sa mga propesyonal sa lalawigan upang mas mapadali at mapabilis ang kanilang mga transaksyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments