1st CEZA Film Festival sa Santa Ana, Cagayan, Matagumpay na Idinaos!

Santa Ana, Cagayan- Matagumpay na idinaos ang kauna-unahang Film Festival ng Cagayan Economic Zone Authority o CEZA kung saan dinumog ito ng maraming tao sa bayan ng Santa Ana, Cagayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Benjamin “Benjie” De Yro, ang Consultant ng CEZA Film Festival Project, layunin umano nito na maipakita sa publiko kung ano na nga ba ang nagawa ng CEZA sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan mula sa kanilang pamumuhay sa dagat.

Itinanghal bilang Kampeon sa isinagawang awarding ceremony ang pelikula na may titulong “Lung-Aw” na kwento ng isang mangingisda na nagpapakita kung paano nito naitatawid ang pamilya sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay na kinaantigan naman ng damdamin ng mga manonood.


Ikinatuwa naman ni ginoong De Yro ang naging resulta ng naturang patimpalak dahil sa maayos at ipinakitang galing at talento ng mga local artist.

Samantala, Inihayag rin ni ginoong De Yro na kanila ring pinag-iisipan ang pagkakaroon ng pangalawang Regional Film Fest bilang pangalawang CEZA Film Festival sa susunod na taon upang maiangat pa ang kakayahan ng taumbayan dito sa rehiyon dos sa larangan ng paggawa ng pelikula.

Facebook Comments