1ST CHIEF PNP RUN | Ilang bahagi ng Roxas Boulevard, isasara sa Linggo

Manila, Philippines – Pagpatak ng alas 2 ng madaling sa Linggo (March 11), isasara muna sa mga motorista ang kahabaan ng southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo Street.

Ito ay ayon sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) upang bigyang daan ang 1st Chief PNP Fun run na “Takbo Kontra Droga”.

Sa mga motorista na magmumula sa Mac Arthur, Jones at Quezon Bridge, na tutunggo sa southbound lane ng Roxas Boulevard, makabubuting dumaan na lamang sa Taft Avenue.


Sa mga magmumula sa Bonifacio Drive, pinapayuhang kumaliwa na lamang sa P. Burgos Avenue.

At sa mga motorista naman na mula sa westbound lane ng T.M Kalaw, na dadaan ng Roxas Boulevard, pinapayuhan na kumaliwa na lamang sa M.H Del Pilar Street patungo sa inyong destinasyon.

Facebook Comments