Pormal ng binuksan ang Datu Abdullah Sangki o DAS COVID- 19 Control And Prevention Center.
Pinangunahan ito ni DAS Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu habang naging bisita sa okasyon sina IPHO Maguindanao Chief Dra. Elizabeth Samama, Board Member Datu Shariffudin Tocao Mastura , at 2nd Mechanized Infantry Battalion Commander Lt. Col Omar Orozco.
Ang Control Center ay pinunduhan ng P8 Million Pesos. Naglalaman ito ng 16 rooms, may hospital beds , oxygen Tanks, Regulator , Medical Supply, CCTV, Wi-fi, TV, mayroon rin itong sariling kusina,
bathroom/Comfort Room, Hygiene Kit, habang may Holy Qur’an at Praying Materials at Bible para sa mga Christian Constituents ang bawat kwarto bukod pa sa Quarantine Game Sheets at
Psyco-social Interventions kasama ang mga staff mula IPHO.
May nakastandby na rin na dalawang COVID-19 Patient Transport Vehicle ang Center.
Bagaman maitututring na Zero o Covid Free na ang Datu Abdullah Sangki ,nabuo ang inisyatiba ng pagpapatayo ng Covid 19 Control at Prevention Center dahil narin sa pagpapahalaga sa kalusugan at ng kaligtasan ng bawat residente sa bayan ng DAS ngayong panahon ng krisis giit pa ni Mayor Datu Pax Ali.
Lubos naman ang paghanga at pagpapasalamat ni IPHO Maguindanao Chief Dra. Samama sa naging inisyatiba ni Mayor Datu Pax Ali at naway magsilbi itong inspirasyon sa iba pang mga alkalde ng lalawigan.
Ang DAS ay naihahanay ng DILG sa isang 6th Class Municipality ngunit nakilala dahil sa kaliwat kanang mga accomplishments na sinimulan ng dating Alkalde at ngayoy Gobernadora ng Maguindanao Bai Mariam Sangki Mangudadatu.