Nananatiling mababa ang COVID-19 first booster shot coverage sa bansa.
Batay sa Department of Health (DOH), kabuuang 15,797,385 first booster shots ang naibigay na hanggang nitong Hulyo 21.
Katumbas ito ng 20.23 percent ng kabuuang bilang ng mga indibidwal na kwalipikadong makatanggap na ng unang booster dose.
Dahil dito, sinabi ni Health officer-in-charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa Hulyo 26 ay ilulunsad nila ang “PinasLakas!” na layong magbigay ng booster shots sa mga karapat-dapat na Pilipino at pataasin ang vaccination coverage sa mga senior citizen.
Aniya, target nilang makapagbigay ng booster shots sa hindi bababa sa 23 milyong Pilipino sa loob ng unang 100 araw ng administrasyong Marcos.
Sa ngayon, nasa 71,439, 759 indibiwal na ang fully vaccinated na sa Pilipinas.
Kumakatawan ito sa 91.47 porsiyento ng 78 milyong target na populasyon sa buong bansa.
Mayroon namang 1,146,735 indibidwal ang nakatanggap na ng ikalawang booster shot na kinabibilangan ng senior citizen, health worker at immunocompromised adults.