Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan na ang State-of-the- Art Rice R4D Building ng Department of Agriculture (DA) Region 2.
Mismong si Agriculture Secretary William Dar ang nanguna sa nasabing seremonya
Pinuri naman ng kalihim ang ginawang pagsisikap ng DA region 2 sa pamamahala ni Regional Executive Director Narciso Edillo sa Institutional Development Grant (IDG) project proposals na pumabor sa konstruksyon ng Rice R4D building.
Ang gusali ng R4D ay itinatag bilang suporta sa isang mas mahusay na paghahatid ng mga serbisyong pang-agrikultura at paglilipat ng mga teknolohiya/impormasyon tungo sa pagpapahusay ng productivity at competitiveness sa Cagayan Valley.
Suportado rin ito ng One DA Agenda: Key Strategies to Transforming Philippine Agriculture sa ilalim ng under Modernization Pillar on Technology and Innovation including Digital Agriculture ng Kagawaran.
Samantala, kauna-unahan naman sa bansa ang 1st Educational Radio Station (DZDA 105.3 MHz FM Radyo Pangkaunlaran) na naipatayo.
Aabot naman sa P10-million ang halaga ng pasilidad na pinondohan ng DA- Regular Rice Program R4D.