Ito ay sa pamamagitan ng inisyatibo ni PMaj Joseph Jonathan M Binayug, hepe ng PNP San Guillermo kung saan tinalakay sa naturang aktibidad ang Role of Youth in the Nation Building; Anti-Illegal Drugs; Anti-Terrorism; Teenage Pregnancy at Basic Life Support.
Layon ng aktibidad na turuan ang mga kabataan sa mga epekto ng terorismo, violent extremism, at kaugnay sa paggamit at abuso ng ilegal na droga.
Ito ay para maimpluwensyahan din ang ibang mga kabataan na maging mas mabuti at modelong mamamayan ng kanilang komunidad.
Ang KKDAT Summit at suporta na rin sa ipinatutupad na EO 70 o NTF-ELCAC ng pamahalaan.
Naging bahagi sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng 205th Maneuver Company, RMFB 2; LGU San Guillermo; Municipal Local Government Operations Office; Municipal Disaster Risk Reduction Management Council; Municipal Social Welfare and Development Office; SK Federation at KKDAT San Guillermo Chapter.