Dinagsa ng libong mga residente, mga kawani mula sa ibat ibang line agencies ng LGU, PNP , AFP, mga barangay officials, mga guro , mga istudyante at mga opisyales ng Sultan Kudarat ang isinagawang Float Parade ngayong araw.
Itinampok sa parade ang mga makukulay na Float na gawa ng ibat ibang agencies ng LGU kasabay sa pagdiriwang ng 1st Kudaraten Festival. Nanguna sa aktibidad si Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura .
Itinampok rin ngayong araw ang halos 10 libong Dulang kasabay ng Grand Kanduli . Sabay sabay na kumain sa gilid ng national highway ang mga lumahok sa aktibidad.
Kaugnay nito patuloy ang imbetasyon ni SK Mayor Datu Shameem sa publiko na makiisa at makisaya sa Kudaraten Festival.
Bukas, matutunghayan ang Guinakit Fluvial Competition, Bangka Race at Fire Dance. Tampok rin sa okasyon ang Street Dancing Showdown, Fashion Show, Concert ng Silent Sanctuary, Basketbal Exhibition Game na dadaluhan ng mga Actor Comedian Dennis Padilla at Long Mejia .
Inaasahang darating din sa culmination ang mga opisyales mula Duterte’s Administration kabilang sina DND Secretary, DA Secretary at DILG Secretary.