1st quarter nationwide earthquake drill, kasado na ngayong araw

Nakahanda na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa isasagawang 1st quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw, February 21.

Ayon kay NDRRMC Executive Director, Civil Defense Administrator Ricardo Jalad – inaasahang lalahukan ito ng iba’t-ibang komunidad, eskwelahan, ospital, business establishments at sectoral groups sa bansa.

Aniya, tinatayang nasa 93,500 individuals sa buong bansa ang makikisali sa drill na layuning sanayin ang mga Pilipino sa mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng isang lindol.


Ang magiging scenario ng drill ay ang pagtama ng isang 8.2 magnitude na lindol tulad ng nangyaring 1948 “Lady Caycay” earthquake na tumama sa Panay Island.

Ang ceremonial venue ng 1st quarter drill ay gaganapin sa Dinagyang Grandstand Iloilo City, mamayang alas-2:00 ng hapon.

Maliban sa “duck, cover and hold”, susundan ito ng evacuation scenarios, pagtatayo ng emergency operations center, pagpapagana ng incident command system, pagsasagawa ng rapid damage assessment and needs analysis, camp coordination and management, search, rescue and retrieval operations, fire suppression, emergency medical response, logistics, security, emergency telecommunications, paglalatag ng field hospitals, death and missing management, debris cleaning, media reporting, maging ang food and non-food distribution.

Facebook Comments