1ST RUNNER UP | KC Concepcion, proud sa half sister na si Cloei Syquia Skarne

Proud na proud ngayon ang actress na si KC Concepcion matapos na tanghalin bilang first runner-up ng Miss Universe Sweden ang half-sister niya na si Cloei Syquia Skarne.

Nakuha kasi ni Emma Strandbergh ang korona ng nasabing pageant na dati din naging 2016 Miss World.

Hindi na bago sa pageant ang anak ni Gabby Concepcion at Jenny Syquia dahil naging pambato ito ng Miss Earth Sweden kung saan nagtapos siya sa top 8 sa pageant na ginanap sa bansa noong 2016.


At kahit na hindi nakuha ang Miss Universe Sweden crown, masaya pa din si KC dahil unti-unti na daw nakukuha ng kaniyang half-sister na si Cloei ang pangarap nito at umaasa siyang makakamit niya din ang pinapangarap na korona sa susunod na pagsali.

Facebook Comments