FIBA | PBA, kinansela ang mga laro sa Biyernes

Kinansela ng PBA ang nakatakdang laban sa Biyernes para sa nagpapatuloy na Governor’s Cup.

Ito ay para bigyan ng daan ang Meralco Bolts sa kanilang pagsabak sa FIBA Asia Champions Cup.

Maglalaro sana ang Bolts at Rain or Shine habang magtatapatan sana ang Blackwater Elite at Alaska Aces kung saan ni-reschedule ito sa October 21.


Nabatid na makakaharap ng Bolts sa unang laro sa group-B ng FIBA Asia Chmapions Cup ang Mono Vampire Basketball Club sa Huwebes at ang Alvark Tokyo naman sa Biyernes na gaganapin sa Thailand.

Facebook Comments