Naipasa na sa Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang proposed 1st Supplemental Annual Investment Program and Budget ng Lokal na Pamahalaan ng Sison para sa taong 2023 kung saan ang paggagamitan nito ay para makatulong sa kanilang nasasakupan.
Nasa higit animnapung milyong piso 64 million pesos ang proposed budget ng naturang bayan at ipinasa sa sanggunian panlalawigan kung saan umaasa naman na maaprubahan ito sa susunod na regular session.
Gagamitin umano sa mga programa at proyektong makakapag benepisyo sa mga mamamayan ng Sison ang naturang pondo.
Dumalo naman sa Committee Hearing at nagpasa ng naturang budget ang alkalde ng bayan, miyembro ng kanilang Sangguniang Bayan, Local Finance Council at mga Department heads. |ifmnews
Facebook Comments