Manila, Philippines – Dalawang mahahalagang batas ang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una, ang Republic Act no. 11261 o “First Time Jobseekers Assistance Act.”
Sa ilalim ng batas, hindi pwedeng singilin ang first-time jobseekers para makakuha ng government documents na kailangan sa employment application.
Sakop nito ang lahat ng government agencies at instrumentalities – kabilang ang state run firms, local governments at government hospital.
Maaaring ma-avail ng libre para sa first-time jobseekers ang police clearance certificate, NBI clearance, barangay clearance, medical certificate mula sa public hospital, birth certificate, transcript of academic records mula sa state universities and colleges, tax identification number, unified multi-purpose ID at iba pang documentary requirements.
Pangungunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng batas.
Ikalawa, ang Republic Act 1285 o “Energy Efficiency and Conservation Law.”
Isinusulong nito ang paggawa at paggamit ng mga renewable energy technology para masiguro ang power supply stability ng bansa.
Bubuuin ang national energy efficiency and conservation plan na magsisilbing national framework para sa mga program tungkol sa energy efficiency at conservation.
Pangungunahan ng Department of Energy (DOE) ang implementasyon ng batas.