Senado, hindi na mag-aaksaya ng oras na magsagawa ng pagdinig para sa mga expose ni “Bikoy” kung durog na ang kredibilidad nito

Manila, Philippines – Hindi na itutuloy ng Senado ang nakatakdang pagdinig sa Biyernes para pakinggan ang testimonya ni Peter Joemel Advincula o Bikoy kung madudurog na ang kredibilidad nito.

Ito ang sinabi ni Lacson na siyang chairman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs na siyang magsasagawa ng pagdinig.

Giit ni Lacson, dapat din ay may bitbit na sinumpaang salaysay at mga ebidensya si Bikoy na susuporta sa kanyang mga isiniwalat.


Si Bikoy ang nasa viral video na “Ang Totoong Narcolist” na nagdadawit sa illegal drug trade sa ilang miyembro ng pamilya Duterte at ilang malalapit sa Pangulo.

Facebook Comments