1ST TIME | MILF leader Al Haj Murad Ebrahim, bumisita sa Camp Aguinaldo

Manila, Philippines – Sa kauna-unahang pagkakataon, pumunta sa headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon kay AFP spokesperson, Brig. Gen. Edgard Arevalo, bumisita sa Camp Aguinaldo si MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim upang makipagpulong kay AFP Chief Gen. Carlito Galvez Jr.

Dagdag pa ni Arevalo, nagpapakita ng tiwala at pagiging seryoso ang MILF sa AFP para sa layuning magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.


Inaasahan namang napag-usapan ng dalawa ang collaboration ng AFP at MILF kabilang pa ang combat, intelligence, civil-military operations.

Hindi naman sigurado si Arevalo kung napag-usapan rin ang gagawin plebisito sa Mindanao na may kinalaman sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Facebook Comments