NBA | Lakers, hindi pinaporma ang Heat; Spurs, tinalo ang Warriors

Kumamada ng season-high 51-points si LeBron James para masungkit ng Los Angeles Lakers ang panalo kontra Miami Heat.

Tinambakan ng Lakers ang Heat sa score na 113-97 kung saan ito na ang ika-siyam na panalo ng Los Angeles na may pitong talo.

Samantala, ipinalasap ng San Antonio Spurs sa Golden State Warriors ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo sa score na 104-92.


Pinangunahan ni Lamarcus Aldridge ang Spurs na may 24-points habang hindi naman nakapaglaro sina Stephen Curry at Draymond Green na kapwa may iniindang injury.

Facebook Comments