1ST TIME | MILF Vice Chairman for Political Affairs at Bangsamoro Transition Commissioner Ghadzali Jaafar, nakatapak sa Camp Aguinaldo

29

Manila ,Philippines – Sa kauna unahang pagkakataon ay nakapasok sa AFP Headquarters sa Camp Aguinaldo si MILF vice chairman for political affairs at Bangsamoro Transition Commisioner Ghadzali Jaafar at mga miyembro ng Bangsamoro Transition Commission.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief Col Noel Detoyato inimbitahan mismo ni AFP Chief Of Staff General Carlito Galvez Si MILF vice chairman for political affairs at Bangsamoro Transition Commisioner Ghadzali Jaafar.

Sinabi ni Detoyato layunin nang pagbisita nina Jaafar at mga commissioner ay upang maipakita sa publiko na nagkakaisa ang AFP at Moro Islamic Liberation Front sa harap na patuloy na pagtalakay sa isinusulong na Bangsamoro Basic Law.

Sa ngayon isang programa ang isinasagawa sa headquarters ng AFP sa Camp Aguinaldo.

Matatandaang limang taon na ang nakakalipas nang magkasundo ang MILF at gobyerno dahil sa isinusulong na peactalks.

Facebook Comments