PINAAALIS | SAP Bong Go, pinababaklas sa mga supporter ang kanyang mga nagkalat na tarpaulin

93

Manila, Philippines – Pinatatanggal na ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa kanyang mga taga suporta ang mga posters at tarpaulin na layong hikayatin siya na tumakbo sa pagkasenador at ipakita ang kanilang suporta dito.

Ayon kay Go, hindi siya interersado dahil mayroon naman siyang trabaho na pinagkakaabalahan at ito ay tumulong sa kapwa.

Kaya naman nanawagan si Go sa kanyang mga taga suporta na gamitin na lamang ang kanilang mga resources para tumulong sa mga nangangailangan kaysa ipambili ng mga tarpaulin at sa pagrenta ng mga billboards.

Mas maganda aniyang ibili nalang ito ng plywood at iba pang mga kailangang kagamitan ng mga mahihirap nating kababayan lalo na ang mga nasunugan.

Binigyang diin ni Go na wala siyang kinalaman sa mga billboard at tarpaulin na makikita sa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila maging sa mga lalawigan.

Kaya naman pakiusap ni Go na tanggalin nalang ang mga ito dahil wala naman siyang plano na pumasok sa mundo ng Pulitika.

Facebook Comments