Utos ni Philippine National Police (PNP) Director for Operations Major General Valeriano del Leon sa mga police commanders sa Metro Manila na striktong ipatupad ang gun ban sa National Capital Region (NCR).
Ito ay bilang security measures sa gaganaping inagurayson ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Major General Del Leon, mula alas-12:00 ng hating gabi sa June 27 ay sisimulan ang gun ban sa NCR at matatapos sa July 2.
Ibigsabihin nito ayon sa opisyal, lahat ng mga licensed gun owners na mayroong Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR), ay pansamantalang suspendido.
Bukod sa gun ban, mahigpit din ang utos ni Del Leon na paigtingin ang intelligence monitoring sa pamamagitan ng paghabol sa mga criminal elements at threat groups na posibleng manggulo sa inagurasyon.
Nang nakaraang linggo, una nang pinagana ng PNP ang Task Force Manila Shield para magpatupad nang mas maraming checkpoints sa lahat ng entry points sa lungsod ng Maynila.