Inihayag ng NLEX Corporation na siyang namamahala sa Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX na magkakaroon ng taas singil ang kanilang toll rate simula sa Miyerkules, June 1.
Ayon sa NLEX, magkakaroon ng karagdagang 0.78 centimo na singil para sa mga Class 1 (mga kotse at SUV) vehicles; 1.57 pesos para sa Class 2 (bus at small truck) at 2.35 pesos para sa Class 3 (large trucks).
Dahil dito, ang mga motorista na bibiyahe mula Mabalacat City, Pampanga papuntang Tarlac ay makakaranas ng 31 pesos na dagdag singil sa Class 1; 61 pesos sa Class 2 at 92 pesos sa Class 3.
Habang ang mga bibiyahe mula Mabalacat hanggang Tipo, Hermosa, Bataan na malapit sa Subic Freeport ay papasanin ang karagdagang 49 pesos para sa Class 1; 98 pesos sa Class 2 at 147 pesos sa Class 3.
Kaugnay nito, magbibigay ang tollway company ng subsidiya sa mga public utility buses kung saan papayagan silang magbayad sa lumang toll rate sa loob ng tatlong buwan.