Flights mula South Korea, bubuksan muli ng Kalibo International Airport

100

Binigyan na ng go signal ang dalawang airline companies upang magsagawa ng flights mula Incheon, South Korea papunta sa Kalibo International Airport sa Aklan simula sa susunod na buwan.

Nakatakdang magsimula ang T’way Airlines sa June 17 habang magsisimula ang unang flight ng Air Seoul Airlines papunta sa Kalibo sa June 22.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Manager Eusebio Monserate Jr., magbibigay ito ng 200 Koryanong turista kada flight mula sa dalawang airline companies.


Samantala, mayroong pitong flights ang Kalibo International Airport araw-araw para sa mga local tourists at ang mga Aklanon ngunit hanggang 10 p.m. lamang ang operasyon nito.

Facebook Comments