Sunog sa Paco, Maynila umabot sa ikalimang alarma; bahagi ng PGH nasunog din

 

Nasunog ang commercial establishment sa Paco, Maynila Sabado ng gabi.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nag-umpisa ang sunog bandang alas-8 ng gabi.

Mabilis na kumalat ang apoy kaya agad na idineklara sa first alarm 8:04PM at iniakyat sa second alarm 8:10PM.


Itinaas ng BFP ang sunog sa 5th alarm pagsapit ng 8:38PM kung saan nasa 20 bumbero ang rumesponde.

Idineklara ng BFP na fire out pagsapit ng 1:28 ng madaling araw.

Nadamay sa sunog ang gusali ng Paco Catholic School pero nakaligtas naman ang katabing simbahan.

Samantala, pasado alas-11 naman ng gabi nang magkasunog din sa bahagi ng Philippine General Hospital (PGH).

Agad nakontrol ang sunog at tuluyang naapula bandang 11:38 ng gabi.

Facebook Comments