Flights patungong Dubai, balik na sa normal

Tiniyak ng Philippine Airlines at ng Cebu Pacific na balik na sa normal ang kanilang flights patungo at mula Dubai, United Arab Emirates.

Gayunman, sinabi ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na nagkakaroon pa rin ng pagkaantala ang kanilang flights dahil sa sitwasyon ng paliparan sa Dubai.

Ito ay matapos na lumubog sa baha ang runway ng Dubai International Airport matapos ang malawakang pagbaha doon.


Tiniyak naman ng PAL at ng Cebu Pacific na patuloy silang nakatutok sa developments sa Dubai lalo na’t hindi agad humupa ang baha roon.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng local air carriers sa airport authorities sa Dubai para sa assessment sa sitwasyon sa ground.

Facebook Comments