Suplay ng isda sa Pilipinas, tumaas sa kabila ng restriksyon ayon sa PFDA

Nananatili pa ring mataas ang suplay ng isda sa Pilipinas sa kabila ng ipinapatupad na restriksyon ngayong COVID-19 pandemic.

Ayon sa Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), umabot sa 35.18% o katumbas ng 371.03 metrikong tonelada (MT) ang naitalang weekly unloading volume sa Lucena Fish Port Complex (LFPC) mula June 4 hanggang 10.

Naitala naman sa 70.64 MT ang supply ng galunggong na sinundan ng bangus na may 60.25 MT, hipon (32.26 MT), tulingan (31.32 MT) at tilapia (28.08 MT).


Facebook Comments