Taguig City, may naitalang 120 bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang lungsod ng Taguig ngayong araw ng 120 na bagong confirmed cases ng COVID-19.

Batay sa tala ng City Health Department, ang mga bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa Barangay Bambang, Calzada, Central Signal, Fort Bonifacio, Hagonoy, at Lower Bicutan.

Nakapagtala rin ng mga bagong infected ng virus ang Barangay Pinagsama, San Miguel, South Signal, Sta. Ana, Tanyag, Wawa at Western Bicutan.


Dahil dito, umakyat na sa 1,347 ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa Taguig City.

Sa nasabing bilang, 23 ang nasawi at may 186 recoveries sa lungsod.

Simula January 27, 2020 hanggang ngayong araw, mayroong 3,753 na suspected COVID-19 cases ang Taguig City.

Facebook Comments