Cainta, Rizal government, nagsagawa ng door-to-door distribution ng ayuda sa mga senior citizen na residente

Namahagi ng tig-P1,500 na ayuda ang Cainta, Rizal government para sa mga locally funder senior pension na may edad 80-anyos pataas.

Ayon kay Cainta Rizal Mayor Kit Nieto, binibigyan niya ng prayoridad ang mga senior citizen na may edad na 80-anyos pataas na mabigyan ng pension at hindi na kailangan pang pumunta sa munisipyo.

Paliwanag ng Alkalde, malaking tulong ang P1,500 na ayuda para sa mga nakatatanda na pangsuporta sa kanilang mga iniinom na gamot araw-araw.


Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga senior citizen kay Mayor Nieto sa ibinigay na suporta sa kanila.

Facebook Comments