Taguig City Police, magpapakalat ng mga naka-motorsiklo na pulis sa kahabaan ng C-5 para sa libing ni dating Pangulong Noynoy Aquino

120

Magde-deploy ang Taguig City Police ng mga pulis na nakasakay sa motorsiklo sa kahabaan ng C-5 Road.

Ito ay para mangasiwa sa daloy ng trapiko sa C-5 Road kung saan dadaan ang convoy sa paghahatid sa huling hantungan ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City

Partikular na ide-deploy ng Taguig Police sa C-5 ay ang mga tauhan nito mula sa Mobile Force Battalion.


Ang mga pulis ng Taguig na nakamotorsiklo ay sasabay sa convoy hanggang sa maihatid sa Manila Memorial Park ang urn ni PNoy.

Babantayan din ng mga otoridad ang posibleng pagdagsa ng mga tagasuporta ng mga Aquino sa kahabaan ng C-5 Road.

Facebook Comments