Hustisyang nakamit kaugnay sa pagkapanalo niya sa eleksyon, ipinagpasalamat ni Senator Pimentel kay President Noynoy Aquino

91

Isa ang buong pamilya ni Senator Koko Pimentel sa labis na nalulungkot sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sabi ni Pimentel, si PNoy at ang Aquino family ay malapit at kaibigan ng pamilya Pimentel.

Ayon kay Pimentel, malaki ang respeto niya kay PNoy lalo pa at sa ilalim ng termino nito kaniyang nakamit ang pagkapanalo sa inihain niyang election protest na nagpatunay ng pagpakanalo niya bilang senador noong 2007 elections.


Pinasalamantan din ni Pimentel ang sakripisyo at paglilingkod na ini-alay ni PNoy sa bayan.

Si Pimentel, kasama ang kaniyang misis na si Kathryna Yu ay dumalaw na rin sa burol ni PNoy sa Ateneo Chapel kahapon.

Facebook Comments