Task Force Kontra Bigay, nakatanggap na ng dalawang reklamo ng vote-buying

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na nakatanggap na ng dalawang reklamo ng vote-buying ang Task Force Kontra Bigay.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Erwin Garcia, isa sa mga reklamo ang inihain ng grupong Kowalisyong Novaleno Kontra Korapsyon laban kay Rose Nono Lin, na tumatakbo sa pagka-kongresista sa Quezon City.

Si Lin ay iniimbestigahan din ng Senado kaugnay sa umano’y maling paggamit ng pandemic response funds ng gobyerno.


Hindi naman na idinetalye pa ni Garcia ang isa pang reklamo.

Giit ni Garcia, ang mga reklamong ito ay magsisilbing babala sa mga sangkot sa vote-buying.

Gayunpaman, hindi dapat aniya makompromiso ang “presumption of innocence” gaya ng ipinag-uutos ng Konstitusyon.

Facebook Comments