Binondo-Intramuros Bridge, pormal nang binuksan sa mga motorista

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Binondo-Intramuros Bridge Project, Solano sa Intramuros, Manila.

Ang nasabing proyekto ang siyang magkokonekta sa Binondo at Intramuros na tinaguriang busiest districts sa lungsod ng Maynila.

Ang iconic Binondo-Intramuros Bridge Project ay isang China-grant bridge project sa ilalim ng “Build, Build, Build Program” na kayang mag-accommodate ng 30,000 motorista sa kada araw.


Dinaluhan din ang inagurasyon ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte, sinabi nitong natutuwa siya at nagpapasalamat dahil sa kabila ng pandemya ay natapos pa rin ang naturang proyekto.

Nagpapasalamat din ang pangulo sa gobyerno ng China dahil sa walang sawang pagtulong nito sa Pilipinas.



Facebook Comments