Tila pagkambyo ng Pangulo sa kanyang campaign promise ukol sa WPS, sinupalpal ni Carpio

Binanatan ni retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio si Pangulong Rodrigo Duterte matapos sabihing hindi niya ipinangako noong 2016 presidential campaign na babawiin niya mula sa China ang West Philippines Sea.

Paalala ni Carpio kay Pangulong Duterte na nabanggit niya noon na sasakay siya ng jet ski patungo sa mga bahurang inokupa ng China at magtatanim ng watawat ng Pilipinas.

Sinabi rin ni Carpio na binanggit din ni Pangulong Duterte na buo ang kanyang suporta sa arbitration case na inihain ng Pilipinas laban sa China.


Patunay lamang aniya ito na niloloko niya ang mga Pilipino.

Itinuturing ni Carpio ito na “grand estafa” o “grand larceny” dahil gumagawa siya ng false promises para makakuha ng boto.

Matatandaang tinawag lamang ng Pangulo na “hyperbole” ang kanyang jetski statement.

Facebook Comments