Darating bukas sa bansa ang panibagong batch ng isang milyong doses ng COVID-19 vaccine ng Sinovac.
Ito ang kinumpirma ni Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana matapos itong mag-share sa kanyang Facebook ng mga larawan ng COVID-19 vaccines na inihanda ng Philippine Embassy team.
Ayon kay Sta. Romana, ang isang milyong doses ng Sinovac ay unang batch ng 3.4 na bakuna ngayong June at inaasahang darating bukas sa bansa.
Sa ngayon ay nasa 6.5 million doses na ang kabuuang bilang ng Sinovac na nasa bansa kung saan isang milyon dito ay idinonate ng China habang ang iba ay binili ng pamahalaan.
As of June 2, nasa 5.38 million vaccine shots na ang naiturok sa mga Pinoy, mahigit 1.29 million dito ang nakakumpleto na ng dalawang doses ng bakuna.