Bahagyang bumaba ang utang ng pamahalaan sa ₱12.50-T sa pagtatapos ng Mayo 2022 mula sa dating ₱12.76-T noong pagtatapos ng Abril ng kasalukuyang taon.
Batay sa inilabas ng pahayag ng Bureau of Treasury, lumalabas na bumaba sa ₱267.4-B o 2.1% ang kabuuang utang ng gobyerno para sa buong buwan ng Mayo.
Dahil ito sa pagbabayad sa provisional advances sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Matatandaang inihaygag ng Department of Finance na nabayaran na nito nang buo ang ₱300-B utang sa BSP mas maaga sa aktuwal na maturity date nito na June 11.
Sa kabuuang utang, 30.7% ay mula sa labas ng bansa, habang ang 69.3% ay domestic borrowings.
Ayon pa sa Bureau of Treasury, nagkakahalaga ng ₱8.67-T ang domestic debt nitong nagdaang Mayo, o mas mababa ng 3% katumbas ng ₱270.40-B kumpara sa pagtatapos ng Abril na naitala sa ₱8.93-T.
Para sa buwan ng Mayo, ang tubo para sa utang panlabas ng bansa ay iniuugnay sa impact ng magalaw na local at foreign currency o palitan ng piso sa dolyar.
Nasa ₱3.83-T ang naitalang utang panlabas ng bansa, mas mataas ng 0.1% mula sa ₱3.827-T noong pagtatapos ng Abril.