Miyembro ng ASG nasawi sa engkwentro sa pagitan ng pamahalaan sa Sulu

172

Napatay ang isang kasapi ng Abu Sayyaf Group sa engkwentro sa pagitan ng pamahalaan sa Sulu nitong Huwebes.

Nabatid na nagsasagawa noon ng operasyon ang Joint Task Force Sulu laban sa naturang miyembro ng ASG sa Barangay Lumbaan Mahaba, Parang, Sulu.

Nagresulta ito sa palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng targeted suspek na si Gan Salahudin, kasapi ng ASG group sa ilalim ng sub-leader na si Apah Salah.


Samantala, narekober naman ng mga otoridad ang isang 5.56mm M16 rifle, at isang M203 grand launcher.

Matapos ang documentation process, itinurn over ng task group ang mga labi ng ASG member sa kanyang mga kaanak.

Facebook Comments