Mas madami ang reclamation sites ng Vietnam sa Pilipinas kumpara sa China particular sa West Philippine Sea (WPS)
Nanatiling tahimik umano ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa paglalagay ng Vietnam ng military facilities nito sa West Philippines Sea sa kabila ng pagkakaroon pa ng usapin ukol dito.
Nangangamba at nababahala ang ilang sektor dahil sa mga panganib at hindi magandang dulot sa Pilipinas at sa mga Pilipino ang paglalagay ng Vietnam ng kanilang military facilities sa WPS.
Bukod sa ito ay magsisilbing threat o banta sa national security maapektuhan din nito ang kabuhayan ng mga Pilipinong mangigisda sa lugar.
Kailangan din tutukan ng pamahalaan ang pagsasagawa ng landfill works ng Vietnam sa 29 na lugar sa WPS kung saan nasakop na nito ang Southwest Cay na pag-aari ng Pilipinas.
Kung susuriing mabuti, napakalakas ng pahayag at paninindigan ng Vietnam sa usaping ito subalit tila walang ginagawa ang pamahalaan ng Pilipinas sa bagay na ito. Ang tanong ng ilan ay kaya pa kaya ng pamahalaan na protektahan ang sovereignty ng bansa?
Ang mga ito ay inilihim umano ng DFA sa publiko ni hindi man lang umano tinuligsa ng ahensya ang Vietnam sa ginagawa nitong paglalagay ng kanilang military facilities sa WPS at bakit hindi man lang umano ipatawag ng DFA ang kinatawan o ambassador ng Vietnam dito sa Pilipinas upang talakayin ito.
Kung talagang mayroong malasakit ang pamahalaan sa kapakanan ng mga Pilipino lalo na sa mga mangingisda, hindi nito hahayaan na sakupin ng mga dayuhan ang bansa kahit na sa simpleng paglalagay ng mga foreign military facilities dito sa Pilipinas.