Iginiit ni Chairman Benhur Abalos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi totoo ang kumakalat na balitang hindi mabibigyan ng ayuda at hindi makakalabas ng bahay ang hindi bakunado laban sa COVID-19.
Ayon kay Chairman Abalos ito ay fake news.
Aniya, dahil sa kumalat sa umano’y fake news, dumagsa at nagkagulo ang ibang lugar ng bakunahan sa Maynila, Las Piñas, at Masinag.
Kaya naman panawagan nito sa publiko na huwag maniwala sa fake news na hindi makakalabas ng bahay at walang ayuda kapag hindi bakunado.
Paglilinaw niya, tanging mga indibidwal na kabilang sa kategoryang Authorized Person Outside Residence (APOR) at may mga quarantine pass ang tanging makakalabas ng bahay simula bukas.
Kung saan ito ang unang araw sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila na tatagal hanggang August 20, 2021