Walk-in sa mga senior citizen sa vaccination site, pinabulaanan ng Muntinlupa LGU

Nilinaw ngayon ng Muntinlupa City Local Government Unit (LGU) na hindi pa rin pinapayagan ang walk-in sa mga senior citizen sa mga vaccination site sa lungsod.

Kasunod ito sa mga lumalabas na ulat na pinapayagan ng LGU ang mga senior citizen para sa walk-in para magpabakuna.

Ayon sa LGU ay kailangan pa rin umano na magparehistro dahil kailangan ito sa kanilang data base para mabilang ang maiilabas na bakuna sa mga naka-schedule sa mga vaccination site.


Naglabas din ang lungsod ng mobile bakuna para sa mga bedridden na naka-schedule ng kanilang first dose dahil na rin sa patuloy ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Paliwanag ng LGU, umaabot na sa mahigit 50 porsyento na ng populasyon ng Muntinlupa City ang nakatanggap na ng unang dose habang 38.7 percent naman ang fully vaccinated na.

Facebook Comments