Inilagay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa half-mast ang lahat ng watawat sa mga kampo ng militar sa bansa.
Ito’y bilang pagluluksa sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, gagawa ang AFP ng tradisyonal na military funeral service bilang pagpupugay sa dati nilang commander-in-chief.
Kinikilala nila ang mga nagawa ni Ramos sa bansa kasama na ang pagsusulong ng kapayapaan sa pamamagitan ng paggawa ng kasunduan sa Moro National Liberation Front.
Nabatid na bago naging pangulo noong 1992 hanggang 1998, si Ramos ay naging pinuno ng Philippine Constabulary mula 1972 hanggang 1986, chief of staff ng AFP 1986 hanggang 1988 at secretary ng Department of National Defense mula 1988 hanggang 1991.