Mga Pinoy sa New York, inalerto ng Philippine Consulate matapos ideklara ang state of emergency doon dahil sa Monkeypox

445

Inalerto na rin ng Philippine Consulate General sa New York ang mga Pilipino doon matapos na magdeklara ng state disaster emergency ang New York sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Monkeypox virus.

Lumalabas kasi na ang New York ang may pinakamaraming kaso ng Monkeypox virus sa buong Amerika.

Pinapayuhan ng Konsulada ng Pilipinas ang Filipino community doon na mag-ingat at protektahan ang kanilang mga sarili.


Sa oras na nakaramdam ng sintomas ng virus ay agad na makipag-ugnayan sa health care provider.

Sa ngayon, lumalabas na mahigit isa sa apat na kaso ng Monkeypox sa Amerika ay mula sa New York.

Facebook Comments