Work-from-home workers, kasama sa A4 priority group ng COVID-19 vaccination

46

Inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na kasama sa A4 priority group ng COVID-19 vaccination ang mga work-from-home workers.

Ayon kay Bello, lahat ng manggagawa ay kasama sa A4 priority group na sakop din ang mga nagta-trabaho sa bahay.


Aniya, lumalabas din naman ang mga ito upang magsumite ng report at kumuha ng sahod sa opisina.

Matatandaang kahapon, May 28 ay inilabas ng gobyerno ang ilang rebisyon sa A1 hanggang A4 priority groups.

Facebook Comments