Mga tauhan ng Comelec, babakunahan na rin

Mababakunahan na rin ang mga tauhan ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, pumayag na ang Manila City Government na isama sa pagbabakuna ang Comelec personnel.

Partikular ang mga tauhan ng poll body na nakabase sa main office nila sa Intramuros, Maynila.


Una nang isinulong ng pamunuan ng Comelec na mabakunahan ang mga tauhan nito lalo na’t humaharap ang mga ito sa mga tao ngayong panahon ng voter registration.

Bukod pa ito sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.

Facebook Comments