2-0 winning streak ng Warriors, tinuldukan na ng Rockets

Pinutol na ng Houston Rockets ang pamamayagpag ng Golden State Warriors sa second round ng kanilang NBA Playoffs series.

Naitabla pa sa 112 ang score sa last quarter ng laro.

Tinuldukan ng Rockets ang 2-0 winning streak ng Warriors sa limang minutong over time game, 126-121.


Bumida sa panalo ng rockets si James Harden na umiskor ng 41 points, 9 rebounds at 6 assists.

Habang nag-ambag din ng 30 points si Eric Gordon.

Nasayang naman ang mas mataas na 46 points ni Kevin Durant para sa Warriors.

Muling magtatapat ang dalawang koponan sa game 4 sa Martes, sa ganap na alas 9:30 ng umaga, oras sa Pilipinas.

Facebook Comments